October 20th, 2005

Another laguna dream

This is another of those Laguna dreams.... buhay pa sina Nanay at Tatay, magkakasama pa kami sa San Pedro nakatira... that kind.

Pero this time, bisita namin si Charmaine. May alaga sya na kung anuman (hindi ko kasi malaman kung ano sya....) Sabi nya aso daw yun, tapos pusit din daw yun... fine, pusit kung pusit. Pero ang ichura nya, cylindrical... may butas sa gitna... parang kalahati ng straw ng Zagu na kulay pinkish-white at medyo makapal.

In-assign sa akin ni Charmaine ang pagpapakain sa alaga nyang pusit kasi aalis sya. Pero nakalimutan ko pakainin, kaya pagdating nya, naghihingalo na yung pet nya. Kinabahan ako at pinakain ko kagad... Tapos lumabas ako at pumunta kina ate Cel para humingi ng payo.

Pagdating ko kina ate Cel, lahat ng tao ay nakatunganga lang -- literally... nakaupo sa stool at nakatunganga. Ewan kung bakit. Si Ate Cel lang nakipag-usap sa akin... at pinauwi nya ako kasi mag-isa lang daw ang aso.

Umuwi naman ako. Pagdating ko, gutom na gutom daw si Cristy (yung aso naming patay na) kasi hindi ko rin daw pinakain. At nagtatampo na sa akin yung aso... natatakot sya. Umiiwas na parang hindi ako kilala. Kaya pumasok ako kagad sa bahay para kumuha ng ipapakain sa kanya.

May mga pagkain na kagad sa mesa. Kumuha ako ng kanin at corned beef para ipakain sa kanya... As usual, madilim na naman yung bahay at malungkot. Then nagising na ako.

Ano kaya ibig sabihin nyang mga yan? Madalas ang dreams ko na sa Laguna, tapos madilim at malungkot yung bahay namin.

Posted by blue_eclair at 04:07 PM | Sing with me!

September 1st, 2005

Another Sickness Yata

Medyo kinakabahan ako... kasi I totally believe about messages in dreams... it's written in the Bible (Joseph the Dreamer di ba? Genesis 37:5 onwards, Genesis 40:7 onwards, The great famine -- Genesis 41 onwards)... Kinakabahan ako kasi may napansin akong unconfirmed "trend" sa mga nangyayari after kong managinip about teeth.

In the hopes of "jinxing" it, heto sasabihin ko sa inyo... Kasi napansin ko usually when I dream about teeth (rotten teeth or binubunot), a certain time after that, may nangyayari sa health ko -- usually I get sick, depende sa dream ko.

Diring-diri pa naman ako when it comes to problems sa teeth and gums... iiiieeeeeooouuuwww!!!

Some examples:
  • I dreamt about me and my brother (yata). We were in our room in our house (Laguna). He gave me a mirror, then I used it to see my teeh. One of them is kinda rotten (eeeeiiiuwww), so he suggested to take it out. I had a string tied to on one end, and the other to a door knob. Then he slammed the door... syempre bunot ang ngipin ko. Then I woke up.

    Ang nangyari sa akin is sooobra akong sinipon to the point na hirap na ako huminga, suuuuper runny nose pa at nilagnat ako.
  • I had a rotten molar (or 3 nga yata yun eh) in my dream. Brown na sya at may malaking butas (Waaaah goosebumps! kadire!!!)). I looked and looked at it to see what can I do about it... then I woke up.

    Maybe a month or two after that, na-hospital ako because of my bleeding (friends, alam nyo na ang history nyan hehehe).
  • Another dream, I was taking out my front teeth -- the upper four (4) -- by hand. After taking a tooth out, I look at the root/base (whatever it is), and I see some rotten parts (brown -- again, eeeiiiuuuw). All four are the same -- with rotten parts. Then I woke up.

    3 weeks after that, I had the legendary diarrhea... the one that gave me severe stomach pains, and made me bleed again, I was again hospitalized due to bleeding (and dahil na rin sa diarrhea).


Meron pa noon, pero hindi ko naman kasi pinapansin noon... recently ko lang napansin na nagkakaganun sya. Medyo mahirap paniwalaan kasi syempre tao -- nagkakasakit. Pero kasi when I say sakit after the dream, as in medyo malala (not your regular sipon, lagnat and all that).

So siguro ngayon ko malalaman kung tutuloy ba ang trend or not... here it goes:

Again, ngipin na naman. Pumunta daw ako sa dentist at sinamahan magpa-pasta ang kuya ko. Then out of wala lang, nagpatingin ako ng ngipin na rin... the next thing i know, I'm seeing my upper molars na may nangingitim -- papastahan daw para hindi lumala.

Kaya ni-drill na nung dentist (babae sya) yung ngipin ko... nakikita ko habang dini-drill nya (parang may camera as in parang pinapanood ko sa TV). Nauubos na lang yung ngipin ko hanggang sa gums, may itim-itim pa rin (YAAAAKEEE!!!! Pero FYI, maganda ang ngipin ko sa totoo ha! hindi ko nga alam bakit nananaginip ako ng ganyan eh)...

Parang pinatigil ko na lang yata yung dentist kasi napudpod na yung ngipin ko. So ni-try ko syang bunutin my self, ayun nakuha ko sya. Pag tingin ko sa base nung ngipin, nakita ko na manipis lang yung ngipin ko... parang sea shell, pero manipis, at malinis... actually para syang shell ng itlog, pag biniyak mo (half-half), pero gawin mong sing-liit ng ngipin, ganun yun!

So there. Yan ang panaginip ko kagabi. Oh my oh my oh my... sana nga coincidence lang yung mga previous.

AYOKO MAGKASAKIT!!!!!

Posted by blue_eclair at 03:41 PM | 7 jammin'

February 17th, 2005

FRIENDS ONLY


Thank you for visiting my dream blog! I'm sorry though, because from now on, this is going to be a friends-only page

Why? Hmmnnn... I just realized that Keiichi's right: dreams are something private. I still do plan to document them and share them with people I trust and am really close to.

You can go ahead and read some older posts (back when this was open to all) to give you a brief idea how weird I am. They're written in Tagalog/Filipino though.

Good luck!

Posted by blue_eclair at 02:39 PM | Sing with me!

February 9th, 2005

PUTO

Matagal na ito... pero kwento ko na rin... nakakatawang panaginip kasi...

Pumunta daw sina Miwa at Keiichi sa bahay... may konting salu-salo... basta ganun. Tapos nung pauwi na sila, pinagbaon ko sila ng konting food, then hinatid ko na sa sakayan.

Then napansin namin ni Miwa na nahuhuli yata si Kei sa paglalakad, so lumingon kami. Pag tingin namin, ayun si Kei, patakas na kumakain nung pabaon ko na puto. Tapos nung nahuli namin, sabay tingin sa amin na parang caught-in-the-act na caught-in-the-act ang dating. May niyog-niyog pa sya sa pisngi... wahahahaha!! Tapos si Miwa, nagalit, as in galit na galit... kasi hindi daw sya namimigay.

WAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Posted by blue_eclair at 12:07 AM | Sing with me!

December 7th, 2004

AMP na SPA

Magpapa-SPA daw ako. Nasa office ako nun. Maraming trabaho sa office kaya ginabi na ako, pero weird. Kasi yung oras sa office nung nag-out ako is 5pm. pero paglabas ko, 11pm na. So nung gusto ko nang magspa, wala na akong makita na bukas. Kung saan saan na ako nagpunta para magpa-SPA. Pero wala talaga akong makita. May wirdo na naman, kasi sa bawat puntahan kong spa, same manager at yung isang attendant ang nakikita ko. Grabe nakakahiya kasi talagang namimilit daw ako sa mga SPA salon.

Yung nakita ko na bukas pa ay sa may Jupiter street. May parang hotel daw dun: Kalahati hotel, kalahati parking lot. Tapos sa mezzanine, nandun yung SPA. Salon sya na may Spa salon din hahaha.

Yung style nung spa is Japanese style. May tatami, bamboo, lanterns etc... Tapos yung mga attendant, naka-kimono.

Tapos biglang nung pagpasok ko, ang nandun na lang ay yung isang attendant at yung manager.

Yung attendant naka-purple na turtle neck. Tapos yung manager, naka-red na turtle neck, tapos may blazer. Nakaktaka kasi sa lahat ng spa na pinuntahan ko, sila rin yung manager at attendant.

Nagtanong ako sa kanila since sila na lang yung bukas: "Pwede nyo pa ba ako gawan ng appointment?"

Manager: "Hay nako sir, gabi na hindi na pwede. wag ka nang magpilit pa, ok? Tinatamad na akong i-accommodate ka kasi gabi na"

I called Ivee para magtanong kung may alam din ba syang iba pang lugar kung san pwede ako magpa-SPA (p*tang spa yan, bakit ba hayok na hayok ako sa SPA sa panaginip kong ito). Tapos wala na rin syang alam. At that time, talagang na-frustrate na ako, kaya sinisi ko mga office-mates ko dahil nag-iwan sila ng maraming work kaya hindi ako nakapagSPA.

Kumento ko dito? Lintek! Bakit ba ako hayok na hayok sa SPA sa dream ko na ito...

WEEEIIIRRRDD!!!

Posted by blue_eclair at 12:36 AM | 2 jammin'

« Newer | »